Ako po ay si John Oliver P. Dela Cruz, labingsiyam na taong gulang. Isinilang noong ika-labing apat ng Abril taong dalawang libo (April 14, 2000). Ipinanganak po ako sa Quezon City. Ang aking mga magulang ay sina Ginoong Christopher B. Dela Cruz at Ginang Perpetua P. Dela Cruz.
Payak lamang po ang aming pamumuhay ng aking pamilya. Masayang nagsasama-sama at nagtutulong-tulong, ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kailangan lamang ay pagmamahalan, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng ito.
Ako ay panganay sa aming magkakapatid sumunod ang aking nakababatang kapatid na lalaki na si Sean, na sinundan naman ng aming bunsong kapatid na babae na si Ella. Tatlo kaming lahat na magkakapatid na binubuo ng dalawang lalaki at nag iisang babae at kami ay masayang nagsasama-sama. Minsan mayroon ding mga panahon na kami po ay nagaaway ngunit ito naman po ay madaling nasusolusyonan. Kay sarap pong magkaroon ng kapatid na nagmamahal at minamahal, nagtutulong-tulong at nagaaruga sa isa't isa.
Mahal na mahal ko po ang aking pamilya maging sa hirap man o sa ginahawa. Kami po ay napakalapit sa isa't isa. Malaki po ang aking pamilya ngunit kaming lahat ay masayang nagsasama-sama na punong-puno ng pagmamahalan at pag-uunawaan sa araw-araw. At datapwat kami rin po ay dumaraan sa di pagkakaunawaan paminsan-minasan ngunit kami po ay madali namang nagkakaintindihan pagkatapos ng masinsinan at maayos na pagpapaliwanagan o pag-uusap. Mula pagkabata kami ay sinanay ng ng aming mga magulang na sa tuwing kami ay di magkakaunawaan dapat ito kaagad na pag-usapan at kaagad isaayos ang di pagkakaunawaan at huwag nang patagalin pa, sa madaling salita kung kami ay di nagkaunawaan ngayon dapat ayusin din kaagad ngayon din ora mismo at huwag nang ipagpabukas pa.
Sinisikap po naming lahat na ang buong pamilya ay magkaintindihan o naintindihin ang isa't-isa, sa ano pa man pong kadahilanan, maging ito man ay kamalian o imperpiksiyon. Kami ay tinuruan din ng aming mga magulang na magtulungan sa lahat ng bagay at huwag na huwag kalimutang kami ay magkakapatid na dapat magmahalan kahit ano pa man ang mangyari at kailan pa man, sa ano mang panahon, malayo o malapit man, dapat po ay di mawala at malimutan ang aming pagmamahalan.
Mahilig po akong magbasa dahil sa pagbabasa masnapapalawak ko ang aking kaalaman at ang aking imahinasyon. Kadalasan ko pong binabasa ay mga nobela at ang kategoryang kadalasan ko pong binabasa ay patungkol sa muling pakkakatawang-tao or reincarnation, paglalakbay sa nakaraan or time travel at pakikipagsapalaran or adventure dahil dito ko masnapapaginhawa ang sarili ko at masnagiging malawak ang pag unawa ko sa mga bagay bagay.
Simulan ko ang kwento nung bata pa ako. Lumaki ako sa probinsiya hanggang mag walong taong gulang ako. Bale, limang taon ako nung nagsimula akong magkaroon sariling kamalayan pambata (ayon sa aking naalala). Ang sarap ng buhay noon, tulog, laro, kaen and “vice versa”. Malayo sa polusyon, salat sa teknolohiya, pero buhay pa ang mga kultra. Tanging paglalaro sa kalye, maligo sa dagat o ilog at manood ng shaider, magma man, ultraman, mightor, moby dick at kung ano-ano pang ibang palabas sa telebisyon (na black and white) ang aking libangan. Kasi nga wala akong ginagawa noon kundi mageenjoy sa paglalaro at panonood ng tv nung mga panahon na yun.
Ilan pa ba saten ang naglalaro ng taguan? Ilan pa ba saten ang nakaka –alam ng patintero? At ilan pa ba saten ang nakaka alala ng mga larong tumbang preso, luksong baka, luksong tinik, luksong dugo (kasama pa ba yun?) at iba pang laro nung panahon na hindi pa uso ang cellphone, playstation, at iba pang mga cool na gadgets. Malamang sa malamang ay hindi mo na to nalalaro o naalala dahil nga kasi matanda ka na. Sige na, wag ka na mahiya, aminin mo sa sarili mo na matanda ka na. Oo, ikaw ang tinutukoy ko wag ka ng lumingon sa likod.
At sa paglipas ng panahon, unti-unti na nawawala ang mga larong nakasanayan at napaglilibangan ng mga batang paslit na noo’y naaaliw sa paghaharutan sa ilalim ng maaliwalas na panahon. Sa walang sawang paglubog at paglitaw ng araw at ng buwan, pagdaan ng mga taon, unti unti tayong nililibang ng panahon sa mga bagay-bagay na dahilan ng ating pagkalimot sa kung ano man ang meron tayong kaligayahan noon. Nakakapang hinayang isipin ang mga ala-alang nabuo naten noong mga panahong walang pakundangan ang pagtakbo naten sa lansangan ng kasiyahan. Ang sarap balik-balikan ng mga ala-alang iniwan naten sa bawat sulok ng ating palaruan. Mga tawanan, iyakan, harutan, tuksuhan, at mga aktibidad na ginagawa naten sa dalampasigan ng kamusmosan ang iyong babalik-balikan na tanging sa ala-ala na lang naten magagawa.
Nakakalungkot isipin na unti-unti ng pinapatay ng mga makabagong teknolohiya ang mga lumang kultura naten. Nagiging alipin na tayo ng mga umiilaw kumukutitap na kasangkapan ngayon. Matuturing na lang nating alamat ang mga pangyayaring minsan ay dumaan sa ating buhay noon. Hindi na naten kayang ibabalik pa ang kahapon kaya kelangan nating magpatuloy sa panahong ating tinatahak ngayon. Tanging ala-ala na lang ang naiwang bakas na minsan tayo ay naging alamat. Isa ako sa mga mapalad na batang naging bahagi ng alamat na iyon na hinubog ng pagdaan ng panahon, sa kadahilanang hindi lahat ng bata ay naranasan ang mga mahahalagang pangyayaring humuhubog sa kabuuan ng ating kamusmusan.
Ngumiti ka na lang, at sariwain ang mga kalokohan ginagawa mo kasama ng mga kaibigan mo sa iyong ala-ala.Nang tumanda na ako nagsimula na akong pumasok sa paaralan kung saan naranasan ko ang lahat patungo sa kaalaman, pagkakaroon ng mga kaibigan, pagtutulungan, pag buo ng samahan, pakikipagtalastasan sa paligid mo, pakikipag away sa mga bully, at madaming iba.
Lumipas ang panahon kolehiyo na ako, napakabilis noh? parang kailan lang wala pakong pinoproblema sa buhay naglalaro sa labas at nakikipag away pero ngayon kolehiyo na pala ako naranasan ko na yung mga hamon sa buhay, ang saya dahil sa bawat paglipas ng panahon unti unti nating nararating yung pangarap natin nung bata pa tayo hanggang sa huli hindi ako susuko, HINDI TAYO SUSUKO!
No comments:
Post a Comment